Rainbow Brite Funko Pop Unboxing

So eto na nga, nagkaron na si Funko ng Rainbow Brite Pop! Hindi ko na talaga maalala kung ano yung kwento nito eh. Mas naaalala ko pa na design siya ng cover ng Jelly Ace (pero hindi din talaga ako sure akshwali. 🤣) Basta alam ko, gusto ko siya ngayon dahil ang kulay ni baks at ang kyot ni Twink!!! Okay simulan natin sa pa-intro vid ni mayor.

Rainbow Brite Opening Theme

Now that video was from the 80s. WAAAAAYYYY BETTER than the 2014 reboot. Bleh! Okray hahaha! Ang cute cute nila d baaaa? Parang madaming Susie & Geno na makukulay na may pagka-She-ra/Swiftwind tandem. I need one of those horses! I’m thinking white siya tapos may streaks of gold yung mane tapos may gold-chain Chanel Flap. Bwahahaha! Soooo Drag! 🦄 Anywaaaay, here’s how the packaging looks like.

Salamat sa Asotea ng McDonald's F. Ortigas Jr. Rd branch

The packaging is a bit different as the stand is located at the back of the Pop unlike the others na nasa bottom part nung plastic insert. Guyths, ang arti lang nung stand d ba? Ang kulay eh. Kavogue yung iba nyahaha!

Wisp aka Rainbow Brite and Twink

Love love love the details! Mejo hindi lang pantay yung blush nito 😘 pero kebs na. Bata pa siya mga mem. Humarbat lang siya ng lipstick sa tokador ni mother para gawing blush. Hamuna. Yung purple star sa left cheek niya, pinitas niya dun sa art project ni Ate. 😂😂😂

At gaya ng iba pang kababaihan na patuloy na lumalaban sa agos ng buhay, kaya din niyang tumayo mag-isa. Walang suporta. Sariling pagsisikap. Chooosss!!!

In all fairness sa paint job nito ha. Sa dami ng details, pasok na sa banga! I’m just happy that this is a regular and not an Exclusive. Mas mura, mas pabor! 😏

At ngayon ko lang napansin na hindi pala ROYGBIV yung color sequence ng outfit niya. Pero yung base niya and shoes and socks ni Twink, ganun, Wala lang. Bet ko lang i-share Hahahaha!

Now let’s talk about her hair. Bet niyo ba yung cloud-like whimsical twirl ng pagkakaponytail sa kanya? And that hinangin effect ng hair bow niya. Ang arti talaga! 🤣🤣🤣 Okay balik ko na sa box. Wala na ko masabi. Ay wait! Thanks pala sa Hobbiestock Collectibles. Hihihi Muuuaaaahhh!!!

Leave a comment